Thursday, January 12, 2023

Call for Submissions: 2nd Caloocan Writers Workshop

Inaanyayahan ang lahat ng manunulat na anak ng Kalookan na maging bahagi ng 2nd Caloocan Writers Workshop na gaganapin sa Abril 22-23, 2023.

Sa pangunguna ng Caloocan Historical and Cultural Studies Association, Inc. (CHCSA), binuksan ang palihan sa mga naninirahan, nag-aaral, o nagtatrabaho sa Lungsod ng Kalookan. 

Target na gawing hybrid ang palihan sa susunod na taon. Ang tema ay “Klima, Kalusugan, at Karapatan.” Maaaring magpasa ng alinman sa mga sumusunod:
▪ 3-5 tula o isang 3-5 pahinang tula
▪ 1 maikling kuwento (10-20 pahina)
▪ 3 dagli (3-5 pahina)
▪ 1 kuwentong pambata (5-10 pahina)
▪ 1 dulang may isang yugto (10-30 pahina)
▪ 1 personal na sanaysay (10-20 pahina)
▪ 1 papel pananaliksik/kritisismo (10-20 pahina)

Magpasa ng orihinal at 'di pa nalalathalang sariling akda sa wikang Ingles o Filipino. Tiyaking malinaw na naglalaman ang inyong akda ng sensibilidad ng isang mamamayan ng Kalookan. Iugnay ito sa tema para sa 2023.

Lahat ng manuskrito ay nasa Times New Roman o Arial, 12 points; MS Word format, doble espasyo, sa 8 1/2 x 11 pulgadang papel. Lagyan ng pahina sa ibaba (Halimbawa: Pahina 1 ng 12).

Ipasa ang file, kasama ng hiwalay na bionote (3-5 pangungusap na binabanggit ang inyong koneksiyon sa lungsod) sa palihangkalookan@gmail.com, at i-cc ang caloocanhistoryculture@gmail.com. 

Gamitin ang sumusunod na pormat sa subject line at filename: (APELYIDO) (WIKA) (GENRE) (“PAMAGAT”). Halimbawa, Agapito Filipino Tula “Si Ka Andres”

Ang deadline ng pagpapasa ay sa Enero 30, 2023. ---> Extended: Pebrero 10, 2023.

No comments:

Post a Comment

Thanks for dropping by! Hope you can follow me:

Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green

Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle