Very confident ang sagot ng lahat ng candidates. Kita mo talaga ang puso na pagsilbihan ang bayan. May pinaghuhugutang karanasan sa pamumuno at paglilingkod. Lahat sila ay naka-angkla sa batas ang mga dapat gawin para sa bayan.
Vice-President Leni Robredo - sanay na talaga sa pagtulong, alam ang ginagawa, galit sa korupsyon at panloloko sa taumbayan; matapat, tiyak sa gagawing pagbabago, hindi natatakot na labanan ang masasamang gawain.
Mayor Isko Moreno Domagoso - sanay sa serbisyo-publiko at pagpapaunlad ng lungsod, galit din sa korupsyon, sigurado sa mga plano. Ipagpapatuloy at kokopyahin ang mabuting ginawa ng iba, iwaksi ang maling gawain, at papanagutin ang mga may kasalanan. Nilinaw rin ang isyu ng pagiging "balimbing" umano. Tanggap ko ang paliwanag niya ukol dito.
Sen. Ping Lacson - Bihasa sa law enforcement, legal terms at politics, magaling magpaliwanag, napakarami nang pinagdaanan sa pulitika. Naniniwala na "ang tama ay ipaglaban, ang mali ay labanan."
Sen. Manny Pacquiao - sinsero sa pagtulong sa kapwa, galit sa korupsyon at mga maling gawain, alam ang mga gagawing pagbabago ngunit ang ibang paliwanag ay medyo basic at general. Kailangan pang hasain ang sarili sa ilang legal terms para mapalawak pa ang kaalaman. Naniniwala na "dapat laging ipatupad ang batas (ang tama), parusahan ang may kasalanan, gawing pantay ang batas sa mayaman at mahirap."
Sen. Bongbong Marcos - takot sa graded recitation kaya absent na lang para safe. Sinayang lang ang pagkakataon na patunayan ang sarili sa publiko. Sayang at di natin narinig ang mga tanong na nakahanda para sa kanya.
No comments:
Post a Comment
Thanks for dropping by! Hope you can follow me:
Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green
Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle