Malapit na ang bakasyon at magiging busy na naman ang buong pamilya mula sa basketball liga ni kuya, sa volunteer work ni ate, hanggang sa choir practice ni bunso. Mas lalong magiging busy ang mga nanay at tatay sa pagbabalanse ng kanilang oras sa mga anak at pag-aasikaso ng mga pagkaing ihahanda at ipababaon.
Ang Mega Sardines ay lubos na sumusuporta sa pagtaguyod ng masigla at masayang pamilyang Pinoy ngayong summer! Isinasaalang-alang ng Mega Sardines ang halaga ng bawat hinahain ng mga Ka-Mega na nanay at tatay, kaya naman ipinagpapatuloy nito ang pagbibigay sa inyo ng pinakamasarap at pinaka-fresh na sardinas sa merkado.
Dahil ito ay mahigpit na sumusunod sa 12-hour catching-to-canning process at ginawaran ng mga international certifications na patunay ng strict safety standards, makasisiguro ang mga nanay at tatay ng tahanan na mapanatili ang pagkasariwa at mataas na kalidad ng isda sa bawat lata ng Mega Sardines.
Ang bawat ulam na hinahain sa agahan, tanghalian, merienda, o hapunan kasama ang Mega Sardines ay hindi lamang puno ng Omega-3 oils, protein at calcium kung hindi puno rin ng pagmamahal at kalinga ng mga magulang para sa buong pamilya.
Dahil mas maraming oras na upang magkasama-sama ang buong pamilya, maraming oras na rin para sa kwentuhan sa hapag-kainan. Kasama ninyo ang Mega Sardines sa bawat masarap na kwentuhan na puno nang pagmamahalan at tawanan, paano man ninyo ito ihain, mapa-gisado, "sardinas y misua" o straight-from-the can kasama ang mainit na kanin.
#MegaKwentoNgSarap Recipe Contest
Katulad na lamang ng kwento ni Nanay Susan mula sa Antipolo, tatlong taon na ang nakalilipas nang huli niyang makita ang panganay na anak na isang nurse sa Canada. Noong nakaraang taon, nasorpresa si Nanay Susan sa pag-uwi ng kanyang anak na nurse. Ayon sa kanya, dahil siguradong na-miss ng kanyang anak ang mga pagkaing Pinoy, ang paborito nitong Mega Sardines na ginawang Caldereta ang inihain nya. Ani Mommy Susan, “hanggang ngayon ay di ko malilimutan ang sarap ng kuwentuhan naming mag-anak, dahil sa loob ng tatlong taon, ngayon lang ulit kami nakumpleto sa hapunan.”
Katulad na lamang ng kwento ni Nanay Susan mula sa Antipolo, tatlong taon na ang nakalilipas nang huli niyang makita ang panganay na anak na isang nurse sa Canada. Noong nakaraang taon, nasorpresa si Nanay Susan sa pag-uwi ng kanyang anak na nurse. Ayon sa kanya, dahil siguradong na-miss ng kanyang anak ang mga pagkaing Pinoy, ang paborito nitong Mega Sardines na ginawang Caldereta ang inihain nya. Ani Mommy Susan, “hanggang ngayon ay di ko malilimutan ang sarap ng kuwentuhan naming mag-anak, dahil sa loob ng tatlong taon, ngayon lang ulit kami nakumpleto sa hapunan.”
Kaya naman ngayong Marso, iniimbitahan ang lahat ng mga Ka-Mega na ibahagi ang inyong mga natatangi at orihinal na recipe kasama ang masarap at masayang kuwento sa likod nito sa Mega Kwento ng Sarap Facebook promo ng Mega Sardines. Ang mga mananalo ay magkakaroon ng pagkakataong mailathala ang kanilang orihinal na recipe sa mga labels ng Mega Sardines kasama ang iba pang mga papremyo.
Contest Mechanics ng #MegaKwentoNgSarap promo:
1. Lutuin ang inyong original recipe gamit ang alin man sa dalawang variants ng Mega Sardines na pasok sa alin man sa mga categories na ito:
MEGA MERIENDA
MEGA HAPUNAN
MEGA PAMBAON
MEGA HAPUNAN
MEGA PAMBAON
2. Kunan ng litrato ang iyong pagluluto, ang finished product kasama ang Mega Sardines, at ang iyong pamilya habang kumakain ng iyong espesyal na hain at pagkatapos ay i-collage.
3. I-post ang iyong collage sa iyong Facebook, kasama ng kuwento sa likod ng iyong espesyal na recipe at bakit ito ang inihain mo sa iyong pamilya. Huwag kalimutang i-tag ang @MegaSardines sa iyong post at gamitin ang #MegaSoSarap at #MegaKwentoNgSarap. Siguraduhing naka-public ang inyong post.
Halimbawa:
Ang aking original recipe ay (pangalan ng recipe). Inihahandog ko ito sa aking asawa para sa kaniyang (pangalan ng category - MEGA MERIENDA) dahil wala dapat ihanda para sa kaniya kundi ang the best dahil siya ay the best. #MegaSoSarap #MegaKwentoNgSarap
Criteria for judging:
40% - Recipe Originality
40% - Message
20% - Presentation
Deadline of submission of entries: March 28, 2016
Announcement of winners: March 30, 2016
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Sali na, mga Ka-Mega! Dahil ang Mega Sardines ay naniniwala na ang bawat hain sa pamilya ay may kalakip na magandang kuwento na masarap balikan at pagsaluhan.
Follow Mega Sardines:
Follow me:
No comments:
Post a Comment
Thanks for dropping by! Hope you can follow me:
Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green
Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle