Sunday, April 1, 2012

5th Rogelio Sicat National Writers Workshop

Tumatanggap na ang Palihang Rogelio Sicat (PRS) ng aplikasyon para sa ikalimang taon ng pagtataguyod sa malikhaing pagsulat sa wikang Filipino.

Gaganapin ang PRS 5 sa Marinduque sa 16-20 ng Mayo sa pagtutulungan ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, at ng Marinduque State College.

Pangungunahan ni Edgardo Maranan ang kaguruan ng palihan na bubuuhin nina Marne Kilates, Bernadette Neri, Will Ortiz, at ng mga direktor ng palihan na sina Jimmuel Naval at Reuel Molina Aguila. Si Maranan ay bihasa bilang makata, mananaysay, kuwentista, mandudula, at manunulat ng kuwentong pambata sa Filipino at Ingles. Siya rin ang kinikilalang may pinakamaraming napagwagian sa Palanca Awards (33 panalo).

Ang PRS ang tanging pambansang palihan para sa mga nagsusulat sa Pambansang Wika.

Pipili ng labinlimang kalahok ang palihan. Walang gagastusin ang mga kalahok, pati na ang transportasyon mula UP Diliman patungo sa lugar ng palihan. Makatatanggap din sila ng stipend.

Ang mga nagnanais lumahok ay dapat magsumite ng alin man sa sumusunod: limang (5) tula, o dalawang (2) maikling kuwento (10 – 15 pahina), o dalawang (2) kuwentong pambata; limang (5) dagli; dalawang (2) sanaysay (10 – 15 pahina); kasamang isumite ang maikling tala-sa-sarili, at retrato (2x2, de-kulay). Kailangang nasa format na 12 points, Arial, double-spaced, 8x11ang sukat ng mga manuskritong ipapadala.

Ipadala ang mga lahok at katanungan sa: ikalimangrogeliosicat@yahoo.com hanggang 23 Abril 2012.

Ang mga naunang pinagdausan ng PRS ay sa Angono, Rizal; Palayan, Nueva Ecija; Baler, Aurora; and Alfonso, Cavite.


+  Follow me on Twitter and join my Facebook Page.  +
 
 

No comments:

Post a Comment

Thanks for dropping by! Hope you can follow me:

Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green

Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle