May nakaatas sa ating tungkulin
Kuwento’t talinhaga ‘y gamitin
Katauhan mo’y hindi mamalitiin
Kung itong anyo ng fliptop kaya mong gayahin
Para mang-irita, para manita
Kung ang bayani sa ating henerasyon
Makabuluhan pa
O ano? Join na!
Kuwento’t talinhaga ‘y gamitin
Katauhan mo’y hindi mamalitiin
Kung itong anyo ng fliptop kaya mong gayahin
Para mang-irita, para manita
Kung ang bayani sa ating henerasyon
Makabuluhan pa
O ano? Join na!
Gamit ang porma ng fliptop, ipapaloob sa akda ang mga usaping tumutugon sa kasalukuyang paghiraya natin sa kahulugan at kabuluhan ng bayani. Bakit wala nang bayani ngayon?
Narito ang ilan sa mga ideyang maaaring paghugutan ng materyal:
1. Kahulugan at kabuluhan ng bayani sa kontemporaryong panahon
2. Ang mga Overseas Filipino Workers at pagturing sa kanila bilang mga bagong bayani
3. Mga partikular na taong itinuturing na bayani (Jose Rizal, Ninoy Aquino, Efren Penaflorida)
4. Mga taong sikat dahil sa pangalan nilang may bayani (Bayani Fernando, Tetchie Agbayani, Bayani Casimiro, etc.)
5. Bayani (individualidad) o bayanihan (kolektibidad)?
6. Mediang bayani: Piolo Pascual, Kim Chu o Willie Revillame, halimbawa
7. Ang bayan ng bayani: lugar, pook, espasyo
8. Simbolo ng pagkabayani: monumento, kalsada, posporo, funeraria
9. Trahedyang bayani: Flor Contemplacion, tatlong anak nitong nakakulong dahil sa pagbebenta ng droga, Mang Pandoy, OFW sa Libya

1. Nakatutok ang akda sa piniling usaping pumapaimbulog sa konsepto ng bayani.
2. Tumutugon ang akda sa politikal na perspektiba.
3. Nakasulat ito sa Filipino o sa Taglish, o sa wikang may langkap ng Filipino.
4. Maaring itanghal ang teksto gamit ang anyo ng fliptop (pa-balagtasan kahit walang sukat at tugma, pakutya, padiskurso, patama pero may kuwento).
5. Binubuo ng 40 na linya (minimum) upang makapagkomentaryo, manlait, manlaglag gamit ang anyo ng fliptop na mayroong kuwento sa matulaing pamamaraan.
Ipadala ang inyong mga kontribusyon sa fliptopbayani@gmail.com kasama ang tatlong pangungusap na tala sa sarili. Ang dedlayn ay sa May 31, 2011.
Puntahan ang link http://www.youtube.com/watch?v=l4OwcE3-dBc para sa ideya kung ano ang fliptop.
No comments:
Post a Comment
Thanks for dropping by! Hope you can follow me:
Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green
Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle