Sa pangatlong pagkakataon nakamit ni Louie Jon A. Sanchez ang
prestihiyosong Makata ng Taon ng 2011 Talaang Ginto: Gawad KWF sa Tula –
Gantimpalang Antonio Laperal Tamayo. Napili ng lupon ng inampalan na
binubuo nina Prof. Romulo P. Baquiran Jr., Prof. Luna Sicat-Cleto at
Prof. Reuel M. Aguila bilang tagapangulo ang piyesang pinamagatang
“Talambahay” ni Sanchez. Ang mga nagwagi ay pormal na pararangalan sa
Araw ni Balagtas (Abril 2, 2011) sa Open Air Auditorium, Luneta Park, Maynila
sa ganap na ika-5:00 ng hapon.
Ang mga nagwagi ay sina:
Unang Gantimpala: “Talambahay” ni LOUIE JON A.
SANCHEZ;
Pangalawang Gantimpala: “Game Show” (walang pasintabi kay Willie
Revillame) ni ERICK D. AGUILAR;
Pangatlong Gantimpala: “Sumbat” ni NOEL P.
TUAZON;
Unang Karangalang-banggit: “Para sa Fountain sa Harap ng Post
Office Bldg.” ni JOHN ENRICO C. TORRALBA;
Pangalawang Karangalang-banggit:
“Kafeysbukan” ni JOSELITO D. DELOS REYES;
Pangatlong Karangalang-banggit:
“Ang Aking Corazon at iba pang Tula ng Pagtangis” ni GENARO R. GOJO CRUZ.
No comments:
Post a Comment
Thanks for dropping by! Hope you can follow me:
Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green
Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle