Monday, August 16, 2010

LIRA's Poetry Contest on Facebook


* click the image for larger view *
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at ng ika-25 anibersaryo ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), inihahandog ng grupo ang Tulaan sa Facebook.

Ang Tulaan sa Facebook ay isang paligsahan ng mga tulang nasa katutubong anyo ng Filipinas. Sa paligsahang ito, itatampok ng mga lahok sa patimpalak ang anyong diyona – isang tulang may iisang saknong, may isahang tugma, binubuo ng tatlong taludtod, at may pitong pantig sa bawat taludtod.

Sumali na sa FB group ng Tulaan sa Facebook: http://www.facebook.com/group.php?gid=138210462868601

MGA TUNTUNIN:

1. Bukas ang patimpalak mula 1 Agosto 2010 hanggang 25 Agosto 2010 sa lahat ng mga Filipino na naninirahan sa Filipinas o sa labas ng bansa.

2. Kailangang orihinal at nasa wikang Filipino ang mga lahok. Kailangang nasa anyong diyona - may iisang saknong, may isahang tugma, binubuo ng tatlong taludtod, at may pitong pantig sa bawat taludtod.

3. Upang maglahok ng tula, kailangang sumali sa Facebook Group na Tulaan sa Facebook.

4. Ipapaskil sa Wall ng Tulaan sa Facebook ang bawat lahok na tula. Maaaring maglahok ng ilanmang bilang ng tula ngunit isang tula lamang ang maaaring ilagay sa bawat wall post.

5. Ang unang linya ng wall post ay ang pamagat wallpost at susundan ng tatlong taludtod ng tula. Wala nang ibang maaaring ilagay sa wall post maliban sa mga nabanggit.

6. Ang inampalan ay pipili ng isang (1) magwawagi na magkakamit ng premyong P7,000, at ng tatlong (3) karangalang banggit na magkakamit ng tig-P1,000.

7. Lahat ng magwawaging tula ay mananatiling pag-aari ng may-akda, subalit may karapatan ang LIRA na ilalathala ang mga ito.

8. Ipaaalam sa mga mananalo ang resulta ng patimpalak bago ihayag ang mga magwawagi sa publiko.

Sumali na sa FB group ng timpalak: http://www.facebook.com/group.php?gid=138210462868601

No comments:

Post a Comment

Thanks for dropping by! Hope you can follow me:

Youtube: http://youtube.com/Pintura14
FB Pages: http://facebook.com/vintersections | http://facebook.com/i.imagine.green

Twitter/IG/Tiktok/Pinterest: @ronivalle